Article Inside Page
Showbiz News
Tinanong ng fan ni Kelvin Miranda kung ano ang mas gusto niyang gampanan na role.
Sa episode ng Hangout ibinahagi ni Kelvin Miranda kung ano ang kanyang role na mas gusto niyang gawin, bida ba or kontrabida.
Ayon kay Kelvin, mas pabor sa kanya ang pagiging kontrabida.
"Actually, mas gusto kong maging kontrabida kasi mas makakapag-explore."
"Actually,parehas lang naman sila, bida kontrabida, kasi parehas silang may pinanggagalingan e."
Inamin ni Kelvin na mas pipiliin niya lang ang pagiging kontrabida dahil nasubukan niya na ito.
"Mas matimbang siguro sa akin 'yung pagiging kontrabida kasi doon ako nagsimula. Siguro mas prefer ko na siya."
Gayunman, nilinaw ng binatang aktor na mahirap rin gumanap bilang bida.
"Pero mahirap maging bida siyempre kasi lahat ng bigat, lahat ng problema nasa iyo.
"Kailangan mo ng oras para aralin. Para intindihin mabuti ang mga nangyayari sa paligid mo."
Si Kelvin ay isa sa mga bida sa pelikulang Dead Kids.
Kamakailan naman ay ibinalitang bibida ang tambalan nila ni Mikee Quintos sa fantasy romance na The Lost Recipe.
Hangout: Elijah Alejo, ano ang inspirasyon sa kanyang pag-aartista?
Hangout: Vital statistics ni Faye Lorenzo, alamin!