GMA Logo Kelvin Miranda
What's on TV

Kelvin Miranda, pressured bilang bagong leading man ng GMA?

By Maine Aquino
Published December 14, 2020 6:09 PM PHT
Updated December 18, 2020 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda


Ayon sa 'The Lost Recipe' actor na si Kelvin Miranda, natatakot siya sa sasabihin ng ibang tao na may ayaw sa kanya.

Inamin ni Kelvin Miranda ang kanyang takot na nararamdaman sa mga tao na ayaw sa kanya sa showbiz.

Kuwento ni Kelvin sa exclusive na mensahe na ipinadala niya sa GMANetwork.com, bilang lead actor ng The Lost Recipe ikinakatakot niya ang sasabihin ng ibang tao sa kanya.

"Ang ikinakatakot ko po talaga 'yung mga taong may ayaw po sa akin sa loob ng industriya na kahit ano pong gawin kong mabuti o maayos may nasasabi at nasasabi pa rin po sa akin."

Photo source: @iamkelvinmiranda


Walang partikular na taong tinutukoy si Kelvin pero patuloy ang kanyang pag-aalala na baka magpakalat ang mga ito ng maling balita.

Saad ni Kelvin, "Pinag-aalala ko lang kasi malaking bahagi 'yun kapag makarating sa kung kanino man ang maling balita na ibinabahagi nung taong may ayaw sa akin."

Pagdating naman sa programa na kanyang pagbibidahan na The Lost Recipe, nakakaramdam siya ng pag-aalala sa pagtanggap ng manonood sa kanyang pagganap bilang Harvey. Sa The Lost Recipe ipinakilala si Kelvin bilang bagong kaabang-abang na leading man ng GMA.

Ayon kay Kelvin, "Sana magustuhan nila ang hinain naming piyesa na ito. Dahil sobrang pinagpaguran ito ng lahat taong bumubuo ng show."

Dahil malaking role ang kanyang gagampanan, alam umano ni Kelvin na makakatanggap siya ng iba't ibang klase ng comments. Pero inhinanda na daw ng binata ang kanyang sarili sa mga ito.

"Kung ano man po ang makita nila, 'yun ay tatanggapin ko. Hindi naman po ako perpekto at kung mangyari man na punahin nila ako, ako po ay magpapasalamat dahil may pagkakataon ako malaman ang mga pagkakamali ko."

Tumanggap naman ng papuri si Kelvin mula sa kanyang mga co-actors sa programa na sina Manilyn Reynes at Gabby Eigenmann. Ayon sa kanila, hanga sila sa husay ng aktor pagdating sa pag-arte.

Nang malaman ito ni Kelvin, nagpasalamat siya sa pag-appreciate nina Manilyn at Gabby sa kanyang talento.

"Isa rin po sila sa inspirasyon ko para pagbutihan ko ang mga ginagawa ko. Maraming salamat po dahil na-appreciate po nila ang mga ginagawa ko bilang isang aktor. Mataas po ang respeto ko sa kanila kaya nakakataba ng puso na makita nila ang mga effort ko para sa isang piyesa."

Silipin ang ilang eksena sa naging first lock-in taping ng The Lost Recipe.