GMA Logo kelvin miranda
What's on TV

Kelvin Miranda, sa kinasangkutang cheating allegation: 'Tinanggap ko lang po'

By Kristian Eric Javier
Published February 14, 2025 1:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hussein Loraña, Naomi Marjorie Cesar rule athletics' 800m events at 2025 SEA Games
Baste Duterte slams opening of unfinished road project
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

kelvin miranda


Ano ang masasabi ngayon ni Kelvin Miranda sa kinasangkutan niyang cheating allegation noon? Alamin dito:

Para kay Encantadia Chronicles: Sang'gre star Kelvin Miranda, wala naman siyang ibang pwedeng gawin tungkol sa nakaraang cheating allegations laban sa kaniya kundi tanggapin na lang ito.

Matatandaan na noong 2023 ay inakusahan si Kelvin ng kaniyang ex-girlfriend na si Roselle Vytiaco ng cheating kasama ang Kapamilya actress na si Kira Balinger.

Binalikan ni King of Talk Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, February 13, ang nakaraang cheating allegations laban kay Kelvin at tinanong kung paano niya nalampasan ito.

Ang simpleng sagot ng aktor, “Tinanggap ko lang po 'yung katotohanan sa sarili ko, Tito Boy.

“Kasi wala naman akong dapat ipaliwanag kasi alam ko 'yung totoo and hindi ko kailangan ipagtanggol 'yung sarili ko sa taong--ang hirap magsalita, e--sa taong alam niya kung hanggang saan ako at hanggang saan 'yung kaya kong ibigay,” saad ni Kelvin.

Hindi na nagbigay pa ng detalye si Kelvin tungkol sa isyu ngunit sinabi niyang naging malaking parte dito ang social media.

“Konting conflict, konting misunderstanding, kayang palakihin, kayang lumala lalo't sa samu't saring pagsasawsaw ng mga tao sa social media,” sabi ni Kelvin.

BALIKAN ANG NAGING REAKSYON NG CELEBRITIES AT PERSONALITIES SA CHEATING ALLEGATIONS NINA MARIS RACAL AT ANTHONY JENNINGS SA GALLERY NA ITO:

Samantala, dahil araw na ng mga puso, tinanong rin ng batikang host si Kevin kung meron na siyang napupusuan ngayon, na sinagot naman ng aktor ng, “May napupusuan.”

Tanong ulit ni Boy, “'Yung napupusuan mo ba ay napupusuan ka rin ba?”

Sagot ni Kelvin, “Nasa gitna, nasa gitna siguro. I mean in-e-enjoy ko lang kasi 'yung process atsaka 'yung mga priorities talaga kailangan unahin."