
Muling nagparamdam ng kilig si Kapuso actor Kelvin Miranda matapos ibahagi ang isang larawan kasama si Beauty Gonzalez sa social media.
Makikita sa latest Instagram post ng aktor ang sweet na posisyon nila ni Beauty habang nasa isang beach.
Ang naturang larawan na ito ay para sa bagong pelikula nina Kelvin at Beauty na ginagawa ngayon ng direktor na si direk Adolfo Alix Jr.
“Yna and Joseph. Pagkatapos ng lahat. #afterall #ALVFILMS Directed by @aalixjr,” caption ni Kelvin sa kanyang post.
Hindi naman napigilan ng netizens ang kanilang kilig sa pagbabalik ng KelTy at inulan ang comments section ng heart emojis at iba't ibang messages.
“Omg! Can't wait to meet YNA & JOSEPH #KELTY #AfterAll #LovingMissBridgette #KELTYCOMMUNITY,” ani ng fan na si @iamferlyntaneo.
“I love you both. Congrats sa inyo!! Excited na kaming makilala kayo Yna at Joseph. #KelTy #KELTYCOMMUNITY #AfterAll,” pagsuporta naman ni @ashleyjoyellopo.
Kamakailan lamang, nagbahagi si Beauty ng isang larawan kasama si Kelvin at excited na ang kanilang fans na masaksihan ang comeback ng onscreen tandem sa big screen.
Sa ngayon, wala pang pormal na anunsyo o detalye tungkol sa pelikula ng dalawang Kapuso stars, pero tiyak na ito'y magbibigay ng maraming kilig vibes sa mga manonood.
Samantala, muling balikan at kilalanin ang cast ng Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette, na pinagbidahan nina Kelvin Miranda at Beauty Gonzalez, sa gallery na ito.