
Thankful si Kelvin Miranda sa natatanggap na suporta ng love team nila ni Angel Guardian sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Ayon kay Kelvin, masaya sila ni Angel sa fans na nagsi-ship at kinikilig sa kanilang Sang'gre characters na sina Adamus at Deia.
"Siyempre masaya kami ni Angel na kahit papaano ay may mga tumatalon na mga puso kapag kami ay may mga eksena, at sumusuporta sa amin," sabi ni Kelvin sa interview ni Aubrey Carampel ng 24 Oras.
Sa Sang'gre noong Lunes (January 12), ipinakita na pangarap ni Adamus (Kelvin) na mahalin at maging kabiyak ni Deia (Angel). Matupad kaya ang pangarap na ito ni Adamus?
Abangan 'yan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.