
Tuloy-tuloy ang pagdating ng projects ng tambalang Ken Chan at Rita Daniela, na kilala bilang RitKen.
Bukod sa pagiging hosts ng All-Out Sundays at The Clash Season 3 at pagkakaroon ng upcoming movie, magkakaroon na rin sila ng bagong series.
Mula sa My Special Tatay at One of the Baes, minahal at kinakiligan ng marami ang tambalang RitKen. Nalalapit na ang muling pagtatambal nila sa Kapuso drama series na Ang Dalawang Ikaw.
Gaganap si Ken bilang isang may dissociative identity disorder--isang mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang pasyente. Kaya magkakaroon ng dalawang katauhan si Ken--bilang si Nelson at si Tyler.
Saad ni Ken, "Dahil galing kami sa My Special Tatay, ang pinag-uusapan pa rin dito ay ang mental illness. Mental health ang focus ng istorya, isa na namang very challenging na project ang ibinigay sa amin.
Si Rita naman, mapapanood bilang Mia, asawa ni Nelson. Magkakaroon siya ng kaagaw sa mister dahil sa split personality nito. "I've been wanting to portray a very mature and serious role. Mas na-e-excite ako for Ken kasi napakahusay ng ginawa niya kay Boyet.
Ipakikilala naman si Anna Vicente bilang si Beatrice, ang fiancee ni Tyler. Makakasama rin nila sa drama sina Dominic Rocco, Jake Vargas, Joanna Marie Tan, at Jeremy Sabido.
Blessing din kina Ken at Rita na magkatrabaho sa gitna ng pandemya. Katatapos lang din nila na i-shoot ang kanilang unang movie na Huling Ulan sa Tag-Araw na kinunan sa Laguna.
Kung hindi nag-load ang video sa itaas, maaaring mapanood ang kabuuan ng interview dito.