
Instant reunion kung maituturing ang muling pagtatambal ng Sparkle stars na sina Ken Chan at Arra San Agustin para sa isang serye.
Matatandaang naging maingay ang pangalan nina Ken at Arra noon bilang sina Boyet at Carol sa GMA Afternoon Prime series na My Special Tatay.
Nakasama rin nila sa naturang serye noon ang singer-actress na si Rita Daniela.
Sa previous episodes ng GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap, napanood bilang magkasintahan sina Ken at Arra.
Gumanap si Arra bilang ang namayapa ng ex-girlfriend ng karakter ni Ken sa serye na si Doc Lyndon.
Natunghayan ng mga manonood ang ilang sweet scenes nila habang nawawala na sa sarili si Doc Lyndon dahil sa bisyo nito.
Samantala, sa pagpapatuloy ng istorya ng Abot-Kamay Na Pangarap, kaabang-abang kung paano titigilan ni Doc Lyndon ang kanyang bisyo.
May maitutulong kaya ang batang doktor na si Doc Analyn upang maging maayos na ang kanyang buhay?
Abangan ang mga kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.