
Malaki ang pasasalamat ng Kapuso star na si Ken Chan sa successful na airing ng high-rating GMA Telebabad soap na One of the Baes kasama ang kaniyang onscreen partner na si Rita Daniela bilang Jowa.
Pero magiging official mag-jowa na ba ang kanilang mga karakter sa programa?
Ang sagot ni Ken, “Ayaw naming madaliin dahil gusto namin namnamin 'yung mga stories nina Grant at Jowa nang hindi pa officially sila. Dahil mas matagal n'yo pa kaming makakasama.”
“Kahit kami hindi rin naming alam 'yung magiging istorya in the future. Kahit kami nakaabang din sa mga mangyayari at babalitaan namin kayo,” dagdag niya.
Kasabay ng pagkaka-extend ng kuwento ng One of the Baes, ang pagkaka-extend ng run ng show.
Mensahe ni Ken sa RitKen fans, “Maraming salamat sa pagmamahal n'yo dahil extended kami hanggang next year makakasama n'yo ang One of the Baes. Hindi natin alam kung hanggang kailan pero ngayon pa lang nagpapasalamat na ang buong One of the Baes [team], dahil po sa inyo mas matagal tayong magkakasama.”
Ken Chan, Rita Daniela win heart of OFW fans
LOOK: Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Legaspi twins, and other Kapuso celebrity tease new show