
Heto na ang hihintay n'yong pagbabalik ng tambalan nina Ken Chan at Rita Daniela!
Sa darating na August 5, mapapanood n'yo ang dalawa sa digital short film na magpapa-realize sa inyo ng true meaning ng 'forever.'
Tutukan ang bagong project na ito sa digital platforms ng GMA Network at Barangay LS 97.1 sa Monday, mga Kapuso.
EXCLUSIVE: Rita Daniela at Ken Chan, mahanap kaya ang forever sa bagong digital project?
Bukod diyan, ang RitKen ngayon ang boses ng pinakabagong theme song ng Barangay LS 97.1 na “Tayo ay Forever” na kinompose at sinulat mismo ni Mr. Love Song Papa Obet.
WATCH: "Tayo ay Forever" music video, may half a million views na!