
All-out kilig ang hatid nina Ken Chan at Rita Daniela sa Sarap, 'Di Ba? ngayong Jan. 1, 2022.
Sa episode na ito makakasama nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa Sarap, 'Di Ba? sina Ken at Rita para sa isang masayang Saturday morning bonding sa unang araw ng 2022. Mapapanood rin sa episode na ito ang Kapuso comedian na si Divine Tetay.
Photo source: Sarap, 'Di Ba?
Hindi lang 'yan, haharap pa sina Carmina, Zoren, Rita, at Ken sa masayang SarapDibalympics Jowa Edition.
Para sa masarap na salo-salo, maghahanda naman ng Ginataang Isda with Kalabasa dish sina Carmina at Ken sa Sarap, 'Di Ba? kitchen.
Abangan ang exciting na episode na ito sa Sarap, 'Di Ba? ngayong January 1, 10:00 a.m. sa GMA Network.