What's on TV

Ken Chan at Rita Daniela, nagulat na "click" ang love team sa 'My Special Tatay'

By Gia Allana Soriano
Published November 29, 2018 10:45 AM PHT
Updated November 29, 2018 10:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Ken Chan at Rita Daniela, nagulat sa mga nagsasabing may chemistry silang dalawa bilang magka-love team.

Maraming kinilig, nag-react, at nanonood ng trending proposal scene nina Ken Chan at Rita Daniela sa My Special Tatay.

Ken Chan & Rita Daniela In My Special Tatay
Ken Chan & Rita Daniela In My Special Tatay

Sa katunayan, umani ito ng mahigit one million views at naging usap-usapan din online.

Dahil dito, nagulat sina Ken at Rita sa reaksiyon ng mga tao sa kanilang unusual love team.

Ani ni Ken, "Hindi namin inexpect na magcli-click 'yung love team, e, na isang kontrabida at isang mabait, nagustuhan ng mga tao."

Kuwento pa ni Rita, "Nagulat na lang kami na parang mga tatlo silang tao na nag-tweet na 'parang may chemistry 'yung dalawa.'”

Nabanggit ng dalawang Kapuso actors na mahaba pa ang istorya ng My Special Tatay at marami pang dapat abangan.

Dagdag ni Rita, "Ay naku, marami pa. Wala pa po kami sa katapusan, nasa gitna pa lang po kami."

Sabi naman ni Ken, “Marami ring unexpected scenes ang mapapanood soon sa show.”

Panoorin ang buong report sa 24 Oras: