
Walang mintis ang panggu-good time nina Ken Chan at Rita Daniela sa The Boobay and Tekla Show (TBATS). Maski manghuhula kasi ay hindi nabisto ang ginawa nila sa 'Pranking in Tandem' segment sa episode nitong Linggo, August 11.
Isang fortune teller mula Quiapo ang biktima sa prank ng tambalang #RitKen. Ano nalang kaya ang naging reaksyon niya nang tawagin siyang peke ng kasabwat na manghuhula nina Ken at Rita? Ano rin kaya ang kanyang ginawa nang biglang awayin ng aktor ang kanyang leading lady dahil hindi siya naniniwala sa hula?
From fortune-telling, nakasama rin natin ang #RitKen sa lip-reading. Maloloka kayo sa sagot ng Team Boobay at Ken laban sa Team Tekla at Rita sa 'Whisper Challenge' segment.
Wala naman inurungang katanungan si Jason Abalos nang ma-hot seat siya sa 'Feeling the Blank.' Mula sa pag-amin tungkol sa isang kumakalat na litrato pati na ang ilang may kaugnayan sa kanyang girlfriend na si Vickie Rushton, sinagot at hinarap ng Kapuso actor.
Pagdating sa 'Dear Boobay and Tekla' segment, ang fun-tastic duo naman ang walang inurungan. Pati request na naging pagbabanta ng isang letter sender, sinagot din nila.
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho! Maki-join na rin sa pagkalat ng good vibes as part of the live studio audience. Just contact Miko at 09952116327!