
Puno man ang kanilang schedule ngayong kapaskuhan, alam pa rin nina Ken Chan at Rita Daniela ang kanilang priorities ngayong holiday season.
Nagpapasalamat sina Ken Chan at Rita Daniela dahil nakikipagtawanan pa rin ang Kapuso viewers sa kanilang top-rating show na One of the Baes.
Dito nila nailalabas ang kanilang pagiging komedyante sa kanilang GMA Primetime drama.
Kuwento ni Rita, “Sinasaktan namin 'yung sarili namin para magising kami. Sa katotohanan na nagwu-work kami, hindi kami nagtatawanan lang.”
Ayon naman kay Ken, puno ng blessings ng trabaho ang kanilang Christmas season. “In between Christmas and New Year, meron kaming kailangan trabahuin ni Rita.”
Gayunpaman, priority ng dalawang Kapuso stars na makapag-celebrate ng Pasko at New Year kasama ang kanilang mga pamilya.
“Ako, personally, I had to say no because I really wanted togive time for my family. Dapat meron din tayong family time,” saad ni Rita
Panoorin:
Ken Chan at Rita Daniela, bakit hindi pa nagiging mag-jowa sa 'One of the Baes?'
Ang latest weekend family experience, abangan sa 'All-Out Sunday'