
Tiwala si Ken sa GMA Artist Center at GMA Network na aalagaan ang kanyang career at malayo sa Destiny Rose ang kanyang susunod na magiging character.
Ngayong tapos na ang Destiny Rose, labis-labis ang pasasalamat ni Ken Chan sa lahat ng sumubaybay sa kuwento ng kanyang character.
READ: Ken Chan gets emotional over last taping day of 'Destiny Rose'
"Sobrang walang sawang pasasalamat sa pagmamahal at suporta na binigay nila, hindi lang kay Destiny Rose kundi pati sa buong team. Kung hindi dahil sa kanila, hindi kami magtatagal ng kalahating taon at na-extend kami ng isang season. 'Yun ay dahil sa kanila," he shares with GMANetwork.com in an exclusive interview.
READ: Ken Chan, elated to be hailed as Most Promising Male Star
"Sa tuwing natatanggap namin ang ratings, sobrang saya namin. Every episode ng Destiny Rose, nagte-trend. 'Yun ay dahil sa kanila, kaya sobra kaming nagpapasalamat."
Dahil sa pagiging effective niya bilang isang transwoman, marami ang nababahala na baka mahirapan siyang magkaroon ng next project. But Ken reassures his fans that he is not afraid.
"Marami ang nagsasabi sa akin na natatakot daw ba ako ma-typecast. Sabi ko naman, hindi. Andiyan naman ang GMA Artist Center and GMA Network para alagaan ako. For me, mas madali akong bigyan ng ibang role dahil mas gusto nila na malayo ako sa Destiny Rose na character. Mas challenge sa akin 'yun at mas challenge din sa kanila kung ano ba 'yung fit na role for me. Hindi ako natatakot. Everything's okay and excited ako."