
Kabilang ang Kapuso Chinito actors na sina Ken Chan at Richard Yap sa cast ng ongoing hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa Abot-Kamay Na Pangarap live today, March 14, nakipagkumustahan online si Ken Chan sa kanyang co-stars sa serye na sina Kazel Kinouchi at Jeff Moses.
Si Ken ay kilala rito bilang si Doc Lyndon, habang sina Kazel at Jeff ay napapanood bilang sina Doc Zoey at Reagan.
Sa kalagitnaan ng kanilang kuwentuhan, napag-usapan nila si Doc RJ, ang role ni Richard Yap sa serye.
Sa naturang medical drama series, kasalukuyang nag-aalala si Doc RJ kay Lyneth (Carmina Villarroel), ang ina ng kanyang anak na si Analyn (Jillian Ward).
Nasa panganib kasi ang buhay ni Lyneth dahil sa kasamaan ni Doc Carlos (Allen Dizon).
Habang nag-uusap, hindi na napigilan ni Ken Chan na bigyan ng payo si Doc RJ tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.
Mensahe ni Ken, “Kailangan ipaglaban ni Doc RJ 'yung nararamdaman niya. Kung sa tingin niya mahal pa rin siya ni Lyneth at mahal niya si Lyneth ipaglaban niya.”
Dagdag pa niya, “Ganon naman tayo 'di ba? Hindi tayo susuko… Sa kalagayan ni Doc RJ ngayon, kung ako sa kanya, ipaglaban niya.”
Kasunod nito, sumang-ayon si Jeff sa mga sinabi ng kanyang co-star na si Ken.
Hindi maikakaila na boto si Ken (Doc Lyndon) kay Doc RJ para kay Lyneth.
Samantala, patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ito bukas, March 15, 2024, 2:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: