
Hindi lang si Pirena ang gusto ng mga fans ni Ken na gampanan niya, kungdi pati sirena!
By GIA ALLANA SORIANO
Sa isang exclusive interview with GMAnetwork.com, naikuwento ni Ken Chan ang request ng fans niya sa kanya.
Ika ng Destiny Rose star, “Alam mo honestly, niloloko nila ako, kung gusto ko rin daw maging Pirena. May nakikita ako sa social media na inayos [ng fans] si Destiny Rose as Pirena, sabi ko: ‘Bakit hindi, go-go ako dyan, okay lang sa akin.’”
Dagdag pa niya, pangarap din daw ng kanyang fans na makita siya bilang isa “Merman.” Aniya, “Kasi tinanong ko kung ano ang gusto nila for me, [so] sila [ang] nagpla-plan for me kung anong gusto nilang maging role ko. Sabi nila, gusto raw nila ako maging Merman.”
In-emphasize ni Ken: “Lalaki pero sirena, gusto raw nila para sa akin 'yun.”
MORE ON KEN CHAN:
READ: Ken Chan sinorpresa ng Golden Gays sa kanyang birthday celebration
READ: Ken Chan, mas lumaki ang awareness sa AIDS
READ: Ano ang natutunan ni Ken sa mga Golden Gays?