GMA Logo Ken Chan and German Moreno
Photo by: @akosiKenChan
What's Hot

Ken Chan, ibinahagi ang mga aral na natutunan kay Kuya Germs para tumagal sa showbiz

By Aimee Anoc
Published June 3, 2022 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan and German Moreno


Ano-ano kayang showbiz advice ang natutunan ni Ken Chan mula kay German "Kuya Germs" Moreno?

Binalikan ni Sparkle actor Ken Chan ang mga aral na natutunan niya kay Master Showman, German "Kuya Germs" Moreno noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Isa si Ken sa mga naging co-host noon ng iconic variety show na Walang Tulugan with the Master Showman ni Kuya Germs.

Sa isang press interview, ibinahagi ni Ken ang dalawang showbiz advice na natutunan niya kay Kuya Germs, na magpahanggang ngayon ay isinasabuhay niya bilang artista.

"Mayroon po akong dalawang bagay na tinandaan na sinabi ni tatay (Kuya Germs). Napakasimple lang nito at ito ang ina-apply ko ngayon. 'Mahalin mo ang trabaho mo at mahalin mo ang mga katrabaho mo.' Hindi ka mawawala o hindi ka maliligaw, at magiging successful ka kung mayroon ka nung dalawang iyon," pagbabahagi ni Ken.

Mahigit isang dekada na ngayon sa showbiz si Ken, at aniya, patuloy niyang sinusunod ang mga payong ito ni Kuya Germs.

"Ako mahal ko 'yung trabaho ko, ang mga ginagawa ko. I tried my best na hindi magpuyat, matulog nang kumpleto, kumain nang tama, bantayan ang health, hindi ma-late sa trabaho, magbasa ng script, at pag-aralan ang mga characters na ibibigay sa akin. Iyon 'yung mga ways ko para mahalin ko ang trabaho ko at nag-e-enjoy ako roon. And it's my passion talaga," sabi ng aktor.

Dagdag niya, "Mahalin ang mga katrabaho nandito 'yung dapat respetuhin mo. Kung hindi mo mamahalin ang mga 'to, kung hindi mo sila bibigyan ng respeto, wala ka rin. Dahil sa kanila kung bakit ka naroon and iyon ang pinaniniwalaan ko talaga. Sobra akong thankful and blessed na ganoon din sila sa akin. Nararamdam ko rin po iyong love nila sa akin and 'yung respeto."

Samantala, ilalabas na ngayong araw, June 3, ang music video ng bagong single ni Ken sa ilalim ng GMA Music, ang "Quaranfling."

Patuloy namang mapapakinggan ang "Quaranfling" sa digital music platforms worldwide.

Mas kilalanin pa si Sparkle actor Ken Chan sa gallery na ito: