
Ibinunyag ni Ken Chan kung ano ang sweetest thing about his This Time I'll Be Sweeter leading lady na si Barbie Forteza.
Aniya, "Sweetest thing about Barbie, siya 'yung taong sobrang thoughtful and maalaga talaga siya. Siya 'yung pag alam niyang nagugutom ka, magpapabili siya ng pagkain, bibilhan ka niya. Tapos kapag may mga special occasions, hindi siya nakakalimot."
Dagdag pa niya, "Ang dami ko ngang utang sayo, no? Mas marami siyang binigay sa akin kaysa sa binigay ko sa kanya. Ako kasi 'yung taong makakalimutin, siya 'yung naaalala niya talaga."
Binahagi rin ni Ken kung ano ang sweet gestures ni Barbie sa set. Ika niya, "Maalaga talaga siya sa set. Alam niya kapag pagod ka na, kapag gutom ka, sasabihan ka niya."
Natutuwa rin si Ken sa sunny disposition ni Barbie. Anang aktor, "Tapos hindi siya boring kasama. Sobrang masiyahin, jolly talaga. And 'yun, for me, ang sweetest thing about Barbie."
Abangan ang This Time I'll Be Sweeter nina Ken Chan at Barbie Forteza, ngayong November 8 na!