
Sa recent guest appearance nina Kapuso stars Ken Chan at Rayver Cruz sa Mars Pa More, ibinahagi ng una na hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon.
Sa “TaranTanong” segment ng naturang show, sinagot ni Ken ang nakaiintriga at nakakikilig na tanong ng kanyang kapwa Kapuso artist na si Rita Daniela.
Tanong ng aktres, “Na-in love ka ba sa akin noong kinuhanan 'yung first-ever love scene natin ng bonggang bongga? Like kahit 30 percent lang. Or sige bawasan natin, 10 percent. Na-inlove ka ba sa akin? Just for that moment where you felt na parang nothing's going to stop me, na parang kami lang 'yung nandoon sa mundo na 'yon.”
Sagot naman ng aktor, “Oo.”
Nang tanungin ni Mars host Iya Villania-Arellano kung ilang porsyento nga ba na-in love si Ken sa aktres, sinabi ng huli ay 70 percent at ipinaliwanag ang kanyang sagot.
“Seventy [percent] dahil hindi pa talaga ako ready pumasok sa isang relationship. Kakagaling ko lang sa isang mahabang relationship na umabot ng three years and then na-enjoy ko 'yung single life,” sabi niya.
“Na-enjoy ko 'yung trabaho, na-enjoy ko 'yung circle of friends, 'yung time ko sa family ko, and in-e-enjoy ko 'yung moment until now. Ayun 'yung nararamdaman ko. Hindi pa talaga akong ready pumasok sa isang [relationship],” ani ni Ken.
Ayon pa sa aktor, kapag ito'y pumasok sa isang relasyon ay ibinibigay niya ang kanyang 100 percent.
Aniya, “At saka, kilala ko 'yung sarili ko. Kapag pumasok ako sa isang relationship, 100 percent todo bigay. So sabi ko, 'huwag muna.'”
Samantala, kabilang ang pelikula nina Ken Chan at Rita Daniela na pinamagatang Huling Ulan sa Tag-Araw sa 2021 Metro Manila Festival.
Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.
Gusto n'yo bang kiligin sa RitKen? Kung gano'n, tingnan ang kanilang sweetest photos sa gallery na ito.