
Pinasok na ni Ken Chan ang mundo ng vlogging.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya na libangan niya talaga ang manood ng vlogs ng mga YouTubers at kapwa niya mga artista.
"Ang dami kong natututunan sa mga vloggers at sa mga co-artists ko na pinasok na din ang mundo ng vlogging. Nakakaaliw at nakakapagpagaan sila ng loob habang pinapanood ko sila."
Dahil umano rito ay na-inspire siya na mag-vlog.
"Kaya naman naging inspirasyon ko sila kung bakit ko papasukin ang mundo ng vlogging!"
Na-excite rin umano si Ken Chan sa kanyang linya na sasabihin sa kanyang vlog.
Aniya, "Sobrang excited na akong sabihin sa inyo ito: Please subscribe to my YouTube channel, CHASING CHAN and click the notification bell to stay up to date with my content! #ChasingChan"
EXCLUSIVE: Ken Chan, binigyang-diin ang paggamit nang wasto ng social media
Kapuso Showbiz News: Ken Chan reveals why he deleted photos on Instagram