
Nagbigay ng pasasalamat ang My Special Tatay Star na si Ken Chan sa pagbigay-pugay ng GMA Network sa yumaong Master Showman na si German Moreno.
Sa Instagram ni Ken, nagbigay siya ng mensahe ng pasasalamat sa kanyang home network.
Aniya, “Maraming salamat @gmanetwork dahil isinunod niyo sa pangalan ni Tatay ang Studio 6 na ngayon ay German Moreno Studio na!
“Sigurado ako na sobrang saya niya dahil naging tahanan niya ang GMA-7 sa loob ng maraming taon.”
IN PHOTOS: GMA Network unveils German Moreno Studio
Nag-sorry din ito dahil hindi ito nakadalo sa pagbubukas ng German Moreno Studio sa GMA Network dahil nasa taping ito.
“Maligayang kaarawan sayo Tatay miss na miss na kita, sorry hindi ako nakarating sa studio name dedication mo ah, kasi may trabaho ako, sabi mo kasi laging mag-work kaya yan 'Tay pinagiigihan ko sa trabaho ko at alam kong proud na proud ka sa akin ngayon.”
“Mahal na mahal kita My Special Tatay!”
Jak Roberto at Sanya Lopez, naging emosyonal sa pag-alala kay Kuya Germs
Naging tahanan ni German Moreno, o mas kilala bilang Kuya Germs, ang Kapuso Network simula noong dekada '70, kung kalian nagsimula ang noontime variety show na GMA Supershow.
Naging host-star builder din siya sa kilalang youth-oriented show na That's Entertainment.
Hanggang sa huling mga taon, nanatiling Kapuso si Kuya Germs, na huling nakita sa programang Walang Tulugan with Master Showman.
Isko Moreno: Kuya Germs taught us it pays to be loyal