GMA Logo Ken Chan with Herbert Harlene and Hero Bautista
What's Hot

Ken Chan, malaki ang pasasalamat kay Herbert, Harlene at Hero Bautista

By Jansen Ramos
Published September 18, 2020 6:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan with Herbert Harlene and Hero Bautista


Ang magkakapatid na sina Herbert, Harlene at Hero Bautista ang mga producer ng launching movie nina Ken Chan at Rita Daniela na 'My First And Always."

Malaki ang pasasalamat ni Ken Chan sa mga producer ng upcoming movie nila ni Rita Daniela na My First And Always sa ilalim ng Heaven's Best Entertainment.

Ang magkakapatid na sina Herbert, Harlene at Hero Bautista ang nagmamay-ari ng nasabing film production outfit.

Photo from @hero_clarence_bautista (IG)

Ayon sa Instagram post ni Ken kamakailan, nagpasalamat siya sa Bautista siblings dahil binigyan siya ng proyekto ng mga ito sa gitna ng pandemya kung kailan nahinto ang TV production at events.

Ika niya, "Sobrang blessed kami dahil sa Heaven's Best Entertainment @hbeproduction. Sa kalagitnaan ng pandemya ay nakagawa kami ng isang kalidad na pelikula. Sa aming mga boss Ms. @harlenebau , Sir @hero_clarence_bautista and Sir @herbertbautista maraming-maraming salamat sa oportunidad at tiwala na binigay niyo sa aming lahat. Maraming po kayong natulungan at nabigyan ng pag-asa dito sa ating industriya."

Aminado si Ken na hindi madaling gumawa ng pelikula ngayong panahon ng COVID-19 kaya naman ikinatuwa niya ang pagsunod ng Heaven's Best sa safety guidelines para sa kalusugan nilang mga cast at ng mga crew.

"Dumaan sa SWAB test ang lahat ng aming cast & crew. Sa bawat shooting days naman may mga nakabantay na DOH at IATF para sa kaligtasan ng lahat."

Bukod sa Bautista siblings, nagpasalamat din si Ken sa direktor ng My First And Always na si Louie Ignacio, sa lahat ng staff at crew ng kanilang launching movie ni Rita, at maging sa GMA.

Sa huling parte ng kanyang post, pinuri ni Ken ang kanyang leading lady na kung tawagin niya ay Choy.

Sabi ng Kapuso actor, "napakahusay mong aktres! Salamat din sa pag-aalaga mo sa akin ah...mahal kita alam mo yan!"

Isang seminaristang malapit nang mag-pari si Ken at isa namang bar singer si Rita sa My First and Always.

Maraming proseso ang pinagdaanan para sa pelikula namin ang “My First and Always”. Dumaan sa SWAB test ang lahat ng aming cast & crew. Sa bawat shooting days naman may mga nakabantay na DOH at IATF para sa kaligtasan ng lahat. Sobrang blessed kami dahil sa Heaven's Best Entertainment @hbeproduction Sa kalagitnaan ng pandemya ay nakagawa kami ng isang kalidad na pelikula. Sa aming mga boss Ms. @harlenebau , Sir @hero_clarence_bautista and Sir @herbertbautista maraming-maraming salamat sa oportunidad at tiwala na binigay niyo sa aming lahat. Maraming po kayong natulungan at nabigyan ng pag-asa dito sa ating industriya. Sa aming direktor na si Direk @direklouieignacio , ang “mood setter” ng buong grupo! hehe Maraming salamat sa kabutihan ng puso mo. Sa pag-aalaga mo sa amin ni Rita at sa buong production. Hangang-hanga ang lahat sa kahusayan mo Direk. Mahal ka naming lahat! Sa mga nakasama ko sa pelikula mula sa mga Aktor hanggang sa Utility, Catering, Art Department, Makeup Artist, Stylist(Ashley Escarial Capoquian), Production Designer(Jay Custodio), DOP(Kuya Carlo Montaño Jr.), Cam Opt.(Abijah Bautista), Writers(Rish Mangubat - Lunasco, Acy Ramos, Ferdy Lapuz), Assistant Director(Rosswil Hilario), Line Producer(Dennis C. Evangelista). Sa aking personal Makeup Artist Nanay @only_pomposa , Juancho Gabriel at sa aking tagapangalaga hehe kay Kuya Arman SeDukis Morales miss ko na kayong lahat! Sobrang salamat sa kasipagan at dedikasyon para sa pelikula nating lahat! To my @gmanetwork family and @artistcenter family, my Managers Sir @simounferrer & Tita @tracymgarcia , to my handler Kuya @edzdelacruz09 love you all! Kahit malayo kami lagi kayong nandyan para sa amin. To Sir @joeyabacan thank you sa help mo po para sa pelikulang ito ☺️ At sa aking “Choy” @missritadaniela, isa lang masasabi ko, napakahusay mong aktres! Salamat din sa pagaalaga mo sa akin ah...mahal kita alam mo yan! Excited na kaming lahat na mapanood ninyo itong pelikulang aming pinaghirapan ang... MY FIRST AND ALWAYS (Luis ❤️ Luisa) Soon!

Isang post na ibinahagi ni Ken Chan (@akosikenchan) noong

Kasama nila sa pelikula sina Lotlot de Leon, Richard Yap, John Gabriel, at Bryan Benedict.

Ang pelikula, na base sa origihinal na istorya ni Ferdinand Lapuz, ay isinulat ng GMA writers na sina Ma. Acy Ramos at Rish Mangubat-Lunasco.

Samantala, nakatakda na ring magbalik-telebisyon sina Ken at Rita bilang journey hosts ng GMA singing compeiton na The Clash.