
Ano ang natutunan ni Ken Chan mula sa Golden Gays tungkol sa usaping AIDS?
By GIA ALLANA SORIANO
Dahil sa surprise visit ng Golden Gays sa birthday ni Ken Chan, naka one-on-one conversation ng aktor ang mga miyembro ng grupo. Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com sa Destiny Rose actor, binahagi niya ang mga kuwentong napulot niya sa mga “lovely lolas.”
READ: Ken Chan sinorpresa ng Golden Gays sa kanyang birthday celebration
Ika niya, “Napag-usapan namin 'yung isang grupo nila before na nagkaroon ng AIDS, pero matagal na matagal na 'yun. Sinabi nila sa akin na ang dami nilang realization about that kind of incident and ang dami nilang natutunan sa buhay because of that din.”
Dagdag niya, natutunan niya na kailangan minsan unahin mo rin ang sarili mo, na alagaan at mahalin mo rin ang sarili mo. Aniya, “Talagang pinapangalagaan nila 'yung sarili nila, mas pina-prioritize nila ang sarili nila, mas minahal nila 'yung sarili nila after nung nangyari na 'yun.”
READ: Ano ang natutunan ni Ken Chan sa mga Golden Gays?