GMA Logo Ken Chan
Courtesy: akosikenchan (IG)
What's on TV

Ken Chan, may hiling kay Doc Lyndon sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published June 4, 2024 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Davao City Coastal Road Segment B nga lakip ang Davao River Bucana Bridge, abli na | One Mindanao
PBB Collab 2.0: Housemates take on caroling challenge for 8th weekly task
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan


Ano kaya ang mahalagang mensahe ng Sparkle actor na si Ken Chan sa kanyang karakter sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' na si Doc Lyndon? Alamin DITO.

Walang humpay ang pagsubaybay ng mga manonood sa karakter ni Ken Chan sa award-winning GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Napapanood siya sa serye bilang si Doc Lyndon Javier, isa sa mga kaibigang doktor ni Doc Analyn (Jillian Ward).

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Ken, nagbigay siya ng ilang update tungkol kay Doc Lyndon.


May pahapyaw din ang aktor kung ano ang mga dapat pang abangan sa karakter nila ni Jillian.

Sabi niya, “Abangan n'yo kung ipu-pursue niya ba si Doc Analyn.”

Hiling ni Ken, sana raw ay ligawan ni Doc Lyndon si Doc Analyn.

Sabi niya, “Kung ako ang tatanungin, sana i-pursue niya, pero tingnan natin kung pagpapatuloy niya ba.”

“Sa napapanood n'yo makikita n'yo na sobrang halaga ni Doc Analyn sa buhay ni Doc Lyndon. Binago niya 'yung buhay ni Doc Lyndon,” dagdag pa ng Sparkle actor.

“Abangan n'yo kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa,” pahabol pa ni Ken.

Samantala, patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.