
Dahil sa kaniyang busy schedule, ngayong lang muli nakauwi si Kapuso actor Ken Chan sa kaniyang hometown sa Pampanga.
Ayon sa aktor, lubos daw niyang na-miss ang buhay probinsiya.
Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Ken ang isang picture kung saan nakikitang nagre-relax siya sa swimming pool ng isang resort.
Nagbalik-tanaw din siya sa mga paborito niyang gawin kapag umuuwi sa Pampanga.
"Tuwing piyesta sa lugar namin sa Pampanga lagi akong nagbabakasyon at isa sa mga una kong pinupuntahan ay itong 'Reming Pool' - nasa gitna siya ng bukid tapos napapalibutan siya ng mga puno.
"Habang lumalangoy ka mula sa patubig sa bukid ay naaamoy mo ang hanging probinsiya kasabay ng usok na nanggagaling sa inihaw na isda at hotdog hehe. Ngayon na lang ako nakabalik dito at ganoon pa din siya walang pinagbago ang lugar. #BuhayProbinsya," sulat niya sa caption ng kainyang post.
Well-deserved talaga ang maikling bakasyon nito ni Ken dahil busy siya bilang isa sa mga lead stars ng GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: Her Big Boss.
May bagong single din si Ken na pinamagatang "Quaranfling," sa ilalim ng GMA Music.
Bukod dito, busy din siya sa kaniyang cafe na kamakailan ay nagbukas ng pangalawa nitong branch.
Samantala, kilalanin pa ang ibang celebrity na lumaki sa probinsiya: