
Hindi lang lead star ang Sparkle prime actor na si Ken Chan sa kanyang upcoming drama film na Papa Mascot kundi parte rin siya ng production team na bumuo sa naturang pelikula.
Sa red-carpet premiere at press conference ng kanyang first solo film na ginanap kahapon, April 17 sa SM Megamall Cinema 2, proud na ibinahagi ni Ken na ito ang kanyang kauna-unahang proyekto bilang isang co-producer.
Aniya, “Unang-una po sa lahat this is also my first project na co-producer po ako and I am just so proud to say na pinasok po namin ang venture na 'to bilang pagiging producer with Miss April, Miss Pauline, and Wide International Film. This is our first project at proud na proud po akong sabihin na I am part of this project not just an actor but as a co-producer.”
Binanggit din ni Ken na marami pa silang proyekto na bibigyang buhay.
“As a co-producer, may mga pagkakataon po na nakakapagbigay po kami ng mga creative juices po namin, pinagsasama po namin kung ano pa yung mga material na gusto naming gawin also with Direk Louie Ignacio, kung ano pa yung mga kwento na gusto naming ipakita sa mga viewers. Maraming mga plano, romantic comedies, horror, action, drama, family, about love at abangan niyo po 'yun,” dagdag niya.
Samantala, trailer pa lang ay talagang pinabilib na ng Kapuso heartthrob ang kanyang mga tagahanga.
Umani ng samu't saring papuri si Ken dahil sa kanyang ipinakitang husay sa pag-arte.
Sa naturang pelikula ay gagampanan ni Ken Chan ang karakter ni Nico, isang lalaking nagpaka-ama sa kanyang hindi tunay na anak.
Mapapanood ang Papa Mascot sa mga sinehan sa bansa simula April 26.
TINGNAN ANG MGA KAGANAPAN MULA SA RED CARPET PREMIERE NG PAPA MASCOT SA GALLERY NA ITO: