Article Inside Page
Showbiz News
"Binago ako ng 'Destiny Rose.' Mas naging emotional ako, mas naging sensitive ako sa paligid ko."
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Ngayong araw nakatakdang makita ang big transformation ni Kapuso actor Ken Chan bilang
Destiny Rose. Ayon sa bida ng kauna-unahang transgender series sa telebisyon, maraming pagbabago na raw ang ginawa sa kanya ng kanyang role
"Physically siguro humaba 'yung kuko ko, naging manipis 'yung kilay ko," pahayag ni Ken.
Dagdag pa niya, "Sa totoong buhay, wala naman pong binago sa 'kin. Physically ganoon pa rin naman ako. Kung ano 'yung Ken Chan noon at ngayon, 'yon pa rin naman."
Kuwento ni Ken, mas tinamaan daw ng 'Destiny Rose' ang kanyang emotional aspect. Aniya, "Emotionally, mayroon, marami. Binago ako ng 'Destiny Rose.' Mas naging emotional ako, mas naging sensitive ako sa paligid ko."
Bukod pa rito, lalo raw natanggap ni Ken ang mga tulad ni Destiny. "Mas nadagdagan 'yung respesto ko sa mga LGBT. Mas na-appreciate ko sila at isa 'yon sa magagandang katangian ko ngayon na masasabi ko na binago ako ng 'Destiny Rose' in a positive way."
Nang tanungin si Ken kung paano binago ng show ang kanyang career, hindi na naman niya napigilang mapaiyak. "'Yan oh, nagiging emosyonal na naman ako dahil binago na ako ng Destiny Rose," natatawang niyang sambit.
"Binago ng 'Destiny Rose' 'yung buhay ko at hindi ko po inakala na mangyayari po sa 'kin 'yung ganitong pangarap po. Nakita ko po 'yung difference ng buhay ko noon at buhay ko po ngayon. Natupad po 'yung pangarap ko," pagtatapos ni Ken.