What's Hot

Ken Chan, naiyak habang pinapanood ang finale episode ng 'Destiny Rose'

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 17, 2020 1:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya transported to Cebu, brought to court
Sarah Discaya arrives in Cebu; up for detention in Lapu-Lapu City jail
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Kasama rin ni Ken ang kanyang fans sa isang special screening.


 

PHOTO BY KARL PANAL, GMANetwork.com


Ilang beses nakitang lumuluha ang Destiny Rose lead star na si Ken Chan habang pinapanood ang finale episode kasama ang kanyang fans sa Rufo’s Timog.

Nang makapanayam ng GMANetwork.com ang aktor pagkatapos mismo ng viewing ng kanyang pinagbidahang serye, hindi pa rin niya maiwasang maging emosyonal.

“Unang project ko sa GMA na sobrang successful. Sobrang saya ko…‘yung pagmamahal at suporta ng mga tao, sobra-sobra, sobrang sarap sa feeling. Hindi ako nalulungkot, ‘yung iyak ko kanina, sobrang saya,” saad ng aktor.

READ: ‘Ang sarap sa feeling na napaniwala ko sila na isa akong tunay na babae’ –Ken Chan 

Binalikan ng commercial model-turned-actor ang kanyang pinagmulan at hindi siya makapaniwalang lalago kaagad ang kanyang karera, “’Di ko akalain na darating sa point na ganito…na pangarap ko lang dati. Hindi ko naman din in-expect na darating sa point na may mga taong maniniwala sa kakayahan ko.”

PHOTO BY KARL PANAL, GMANetwork.com

Laking pasasalamat ni Ken sa kanyang mga taga-suporta, lalong lalo na sa lesbian, gay, bisexual, transgender (LGBT) community. Iba raw ang pakiramdam na makapagbigay inspirasyon, “Nakaka-touch at masayang-masaya ako dahil marami akong natatanggap na mga message at comments na nai-inspire ko ‘yung buhay nila.”

Dagdag pa ng aktor, “For me, bukod sa ratings at laging pag-trending, ang gift sa akin na tagumpay dito ay ‘yung nakaka-inspire kami ng mga tao.”

MORE ON KEN CHAN:

READ: Destiny Rose finale spreads the love on Twitter

READ: Ken Chan, hindi agad makabitaw sa role niya bilang Destiny Rose