
Isang masayang araw sa amusement park ang hatid ni Sparkle actor Ken Chan para sa kanyang fans, na muli niyang naka-bonding matapos ang mahigit dalawang taong pandemya.
Ayon sa report ni Denise Abante ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog na ipinalabas sa 24 Oras noong January 18, hindi lamang simpleng meet and greet ang naganap dahil ito rin ang naging advance birthday celebration ng aktor.
“Ang sarap sa pakiramdam because parang bumalik na 'yung dating fans day. Naglaan sila ng time for me,” pagbabahagi ni Ken.
PHOTO COURTESY: GMA NEWS (YT)
Hindi naman napigilan ng isang tagasuporta ni Ken na maging emosyonal nang makasama ang kanyang idolo in-person.
“Noong nakita ko siya parang may something lang na kahit magkaka-baby na ako, nandito pa rin siya,” ani Marjorie Dela Cruz, ang fan ng aktor nang higit isang dekada.
PHOTO COURTESY: GMA NEWS (YT)
"Sobrang happy ako because magka-pamilya man sila, nandiyan pa rin sila for me and 'yun 'yung isa sa mga talagang tine-treasure ko. Hindi na fans and artists ang turingan naman sa isa't isa. It's a family," pagbabahagi naman ng aktor.
Bukod sa games, nakisaya rin si Ken kasama ang kanyang mga tagahanga sa pagsakay sa ilang extreme rides sa amusement park. Nagbigay din ang ilang fans ng kanilang birthday wishes para sa Kapuso heartthrob.
“Huwag kang magbabago. Sana gano'n ka pa rin sa amin since noong nakilala ka namin,” mensahe ni Marjorie.
Ani naman ng isa pang tagasuporta ni Ken na si Kate Abiera, “Sana magtagal pa po siya sa industry at marami pa po siyang mapasaya na tao katulad namin.”
Dagdag pa ng fan na si Janus Bernales, “More success sa career, sa resto mo, and have a good life always.”
Panoorin ang buong “Chika Minute” report sa video na ito.
Noong January 11, naghanda rin si Ken ng thanksgiving dinner kasama ang executives ng GMA Network bilang pasasalamat sa kanilang paggabay sa kanyang showbiz career.
“Sometimes all we need is a fresh start. Welcoming 2023 with my GMA Executives. Showing my appreciation and gratitude for helping and guiding me throughout my career.
“I'm so blessed and thankful to be part of @gmanetwork and @sparklegmaartistcenter. Cheers to 2023!” sulat niya sa caption.
SAMANTALA, SILIPIN ANG GUWAPO LOOKS NI KEN CHAN SA GALLERY NA ITO: