
Nagkuwento si Ken Chan kung paano siya inaalagaan ng kanyang This Time I'll Be Sweeter leading lady na si Barbie Forteza.
Aniya, "Hindi naman kasi mahirap mahalin si Barbie. Siya 'yung tipo ng babae na talagang madali kang mai-in love kasi maalaga siya sa mga leading man niya. Siya 'yung tipong maasikaso. Alam niya kung pagod ka na. Bibigyan ka ng kape. Bibigyan ka ng pagkain. So, talagang aalagaan ka niya. So, kahit sino na makaparehas ni Barbie, talagang madaling [magkakagusto sa kanya]."
Dagdag naman ni Barbie, si Ken din daw ay super maalaga. Ika niya, "Competitive siya, [si Ken]. So, kung bibilhan ko siya ng kape, bibilan din niya ako ng kape. Mas malaki pa. Ayaw na niya ako matulog."
Abangan ang tambalang KenBie ngayong November 8 sa movie premiere ng This Time I'll Be Sweeter.