What's Hot

Ken Chan, pinangarap maging leading lady si Barbie Forteza noong hindi pa siya artista

By Gia Allana Soriano
Published September 15, 2017 10:17 AM PHT
Updated September 15, 2017 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

13-anyos na nawala matapos maligo sa Baseco Beach, bangkay na nang matagpuan sa Navotas landfill
Graduate sang University of San Agustin, rank 1 sa Medical Technologist Licensure | Ratsada Balita
Patricia Tumulak, TENDERISM ang pamanang recipe ng kanyang lola sa tuhod! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News



Sa report ni Aubrey Carampel sa '24 Oras,' ibinahagi ni Ken Chan na kahit dati pa ay si Barbie Forteza na talaga ang gusto niya maging leading lady.

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, ibinahagi ni Ken Chan na kahit dati pa ay si Barbie Forteza na talaga ang gusto niya maging leading lady. Aniya, "Pangarap ko magkaroon ng movie [noon]. Gumagawa ng music video sa isip ko, parang trailer ng movie. Alam mo kung sino ang nai-imagine kong ka-partner ko, si Barbie Forteza. Hindi pa ako artista noon, ah."

 

THIS TIME I'LL BE SWEETER...Soon! ???? #Shooting #Movie

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan) on


Nagkasama ang dalawa sa Meant To Be, at ngayon naman ay magkakaroon sila ng movie via This Time I'll Be Sweeter. Kuwento ni Barbie, "Ang difference naman dito, mas pina-mature kami ni Ken. Kaya nagkaroon ng transition from college to career. Para rin talaga... 'yun 'yung goal namin, 'yung maiba 'yung look [and] 'yung atake namin from Meant To Be, para hindi ma-compare. In all fairness, nadala naman nung material 'yung pelikula."

Naikuwento rin ng dalawa ang experience nila sa batikang director na si Joel Lamangan, ang director ng upcoming movie nina Barbie at Ken. Ika ni Barbie, "Magaling magdisplina ng artista si Direk Joel (Lamangan)." Dagdag naman ni Ken, "May kasibahan na kapag dumaan ka kay Direk Joel Lamangan, parang mafi-feel mo talaga 'yung pagiging kumpleto mo bilang isang aktor."

Panoorin ang buong report:

Video courtesy of GMA News