
Ipinagdiriwang ni Ken Chan ang kanyang ika-30 kaarawan ngayong araw, January 17, 2024.
Bago sumapit ang mismong araw ng kanyang kaarawan, una nang nag-celebrate si Ken sa GMA's weekend musical comedy variety show na All-Out Sundays.
Sa kanyang Instagram post, mapapanood ang isang video tungkol sa ilang mga naging pangyayari sa special celebration ng Sparkle star sa naturang show.
Mapapanood din dito ang mala-concert na performance ni Ken.
Kabilang sa mga nakasama niyang mag-perform ay ilan sa kanyang co-hosts sa All-Out Sundays.
Sa comments section ng naturang post, mababasa naman ang ilang birthday greetings na natanggap ni Ken mula sa netizens at ilang celebrity friends.
Ilan sa mga nagpaabot ng pagbati sa Kapuso actor ay sina Kyline Alcantara, Julie Anne San Jose, at Rita Daniela.
Bukod sa All-Out Sundays, kasalukuyan ding napapanood si Ken sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kilala siya sa serye bilang si Doc Lyndon, isa sa leading men ni Jillian Ward sa serye.