GMA Logo ken chan
What's on TV

Ken Chan, relate na relate kay Richard Lim sa 'Mano Po Legacy: Her Big Boss'

By Aimee Anoc
Published May 31, 2022 6:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino tells followers: ‘I’m alive because of your prayers’
Farm To Table: May masarap na ihahain ngayong Linggo!
Aye The Anchor On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

ken chan


Ibinahagi rin ni Ken Chan ang mga dapat na abangan sa huling linggo ng 'Mano Po Legacy: Her Big Boss.'

Sa nalalapit na pagtatapos ng Mano Po Legacy: Her Big Boss, ikinuwento ni Ken Chan kung paano siya nakaka-relate sa kanyang karakter bilang isang Filipino-Chinese.

Ayon kay Ken, sobrang nakaka-relate siya kay Richard Lim dahil tulad nito ay isa rin siyang negosyante at may-ari ng isang kompanya.

Ilan sa mga negosyong pinamamahalaan ni Ken ay ang Christmas-themed restaurant na Cafe Claus at gasoline stations na iFuel.

"Sobrang nakaka-relate ako. Sobrang happy ako and 'yung family ko dahil ginawa ko po itong Mano Po Legacy. Noong bata ako isa ito sa talagang pinapanood namin sa Metro Manila Film Festival dahil talagang nakaka-relate kami bilang isang Filipino-Chinese family," sabi ni Ken.

Dagdag ng aktor, "Nakakatuwa dahil si Richard Lim bilang may-ari siya ng isang company naka-relate ako sa kanya, sa lahat ng mga ginagawa niya para patatagin at palaguin 'yung kompanya na mayroon siya.

"Ganoon rin 'yung nararanasan ko ngayon. Kung paano ko palaguin at patatagin 'yung business na ginawa ko ngayon itong Cafe Claus. Sobrang malaking tulong siya sa akin, 'yung role ni Richard Lim kasi ang dami kong natutunan doon sa Mano Po Legacy: Her Big Boss about business and naa-apply ko siya sa business ko sa totoong buhay."

Ibinahagi rin ni Ken ang mga dapat pang abangan sa huling linggo ng serye.

"Last week na po. Sana po suportahan niyo pa rin po kami at samahan niyo kami nina Bianca Umali, Kelvin Miranda, at ng iba pang kasamahan namin sa Mano Po Legacy: Her Big Boss.

"Dito na po ninyo malalaman kung si Irene Pacheco nga ba at si Richard Lim ay magkakatuluyan. Abangan niyo po 'yan," pagbabahagi ng aktor.

Patuloy na subaybayan ang Mano Po Legacy: Her Big Boss sa GMA Telebabad pagkatapos ng Bolera.

Samantala, inilabas na ang pinakabagong single ni Ken sa ilalim ng GMA Music, ang "Quaranfling."

Patuloy na mapapakinggan ang "Quaranfling" sa digital music platforms worldwide.

Mas kilalanin pa si Kapuso actor Ken Chan sa gallery na ito: