
Dagdag na riot ang hatid ng tambalang #BoBrey nina Ken Chan at Rita Daniela at ng Starstruck alumni na sina Kris Bernal at Chariz Solomon sa February 17 episode ng The Boobay and Tekla Show.
Nakisaya sina Ken at Rita sa pagpapatuloy ng kuwento ng dalawang nanay na ginagampanan nina Boobay at Tekla sa Kapuso comedy program.
Panoorin:
Samantala, ang personal assistant naman ni Kris na si Ate Glecy ang biktima sa 'Pranking in Tandem' kasama sina Kris at Chariz. Ano kaya ang magiging reaction niya nang pakialaman ni Chariz ang bag ni Kris?
Panoorin:
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!