
Maririnig na ang boses nina Kapuso stars Ken Chan, Sanya Lopez, Bruno Gabriel, at Ayra Mariano sa Tagalog dubbed version ng Korean drama na My Golden Life.
Ang My Golden Life ay isa sa highest-rating Korean drama of 2017-2018.
Boses nina Ken at Sanya ang mga bidang sina Dion Choi (portrayed by Park Si Hoo) at Gillian Seo (portrayed by Shin Hye Sun.) Sina Bruno at Ayra naman ang magboboses kina Luke Sun (Lee Tae Hwan) at Giselle Seo (Seo Eun Soo.)
Ang My Golden Life ay tungkol sa "kambal" na sina Gillian at Giselle na paghihiwalayin ng kapalaran. Si Gillian ay ang kambal na may mas competitive, mataas ang pangarap ni Gillian ngunit maraming challenges ang binabato sa kanya ng tadhana, lalo na nang ma-bankrupt ang pamilya nila. Samantalang si Giselle naman ang mas happy-go-lucky sa dalawang kambal, kuntento na siya sa buhay nila.
Kaibigan naman ni Gillian si Luke, na crush ni Giselle. At boss naman ni Giselle sa Dion sa company na pinatratrabahuan niya.
Ano ang mangyayari kapag nalaman ng "kambal" na hindi pala sila tunay na magkapatid, at kapatid pala ng isa sa kanila si Dion? Abangan sa My Golden Life sa GMA Heart of Asia ngayong Lunes, December 17.