
Diretsahang sinabi ni Ken Chan na "papakasalan!" ang sagot niya kay Rita Daniela nang siya ay tanungin kung jojowain o totropahin niya ba ito.
Napuno ng kilig ang hosts na sina Mavy at Cassy Legaspi sa nakagugulat na sagot ni Ken sa episode ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Kuwento ni Ken ay papakasalan niya si Rita dahil nakita niya ang qualities ng isang babaeng kaniyang papakasalan sa kaniyang onscreen partner.
"Papakasalan. Nakita ko kay Rita 'yung standard ko sa isang babae. 'Yung isang babae na alam mong puwedeng gawing asawa."
Kuwento rin ni Ken na siguradong masuwerte ang mapapangasawa ni Rita in the future.
"Kahit sinong lalake na in the future kasi kung ano man, hindi natin alam. Suwerte kung sino man ang mapapakasalan ni Rita Daniela, at sinabi ko 'yun sa kaniya. Lagi ko yung sinasabi sa kaniya."
Photo source: @akosikenchan
"Jojowain" naman ang naging sagot ni Rita nang siya tanungin kung jojowain o totropahin nito si Ken.
Saad ni Rita, gusto niya muna ng jowa bago kasal. May magagandang katangian si Ken kaya nasabi niya na boyfriend material ito.
"Kasi you're you, walang taong katulad mo.
Dagdag ni Rita, "Masipag sa work, super mabait sa tao, tapos love na love niya 'yung family niya, lagi niyang inuuna 'yung ibang tao bago 'yung sarili niya."
Panoorin ang kanilang nakakakilig na aminan sa video sa itaas.
Samantala, tingnan ang mga nakakakilig na photos nina Ken at Rita sa Ang Dalawang Ikaw.