What's Hot

Ken Chan sinorpresa ng Golden Gays sa kanyang birthday celebration

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 19, 2020 7:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE: Cong. Toby Tiangco, Prosecutor General Fadullon, and DPWH Usec. Ricardo Bernabe III forum on flood control anomalies updates (Jan. 22, 2026) | GMA Integrated News
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News



"Sobrang nakaka-insipire talaga 'yung mga naabot nila." - Ken on Golden Gays 


By GIA ALLANA SORIANO

 

A photo posted by Ken Chan (@akosikenchan) on


Sinorpresa ng grupong Golden Gays ang Destiny Rose star na si Ken Chan! Sobrang saya naman ng aktor sa “kakaibang experience” na naranasan niya sa kanyang kaarawan.

Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com, naikuwento ni Ken ang kanyang unique experience with the Golden Gays. Ika niya, “Una, hindi ko talaga alam na may surprise sila sa akin. Kaya nga, surprise, 'di ba? So, nung nakita ko, akala ko may meeting lang ako sa GMA-7, pero pag-akyat ko, andun, nakita ko mga Golden Gays. First time ko sila nakita, and hindi ko alam na may ganun palang na group of transwomen na may mga edad na.”

Dagdag pa niya, “Sobrang nakaka-insipire talaga 'yung mga naabot nila. Alam naman natin na 'yung mga pinagdadaanan ng mga nasa LGBT group ay hindi ganun kadali. Andun 'yung problema, andiyan 'yung panunukso, pagkukutya, mga pagda-down ng ibang taong nakapaligid sa kanila."

"But, at the end of the day, nakita ko sila na parang ang saya-saya nila, na naabot nila 'yun, na na-reach nila 'yung ganung edad. Nakaka-inspire lang na nagpapakatatag talaga sila."

 

A photo posted by Ken Chan (@akosikenchan) on


Naibahagi rin ng aktor na "makulay" ang naging koneksiyon niya sa mga miyembro ng Golden Gays dahil na rin sa role niya bilang Destiny Rose.

Pahayag niya, "At bilang ako, as Destiny Rose, sobrang na-inspire ako sa kanila. And kasama ko sila the whole day, napakakulay ng connection namin sa isa’t isa. Like, ang playful nila, kahit na may edad sila ang saya-saya pa rin nila, like naglulundagan sila, nagtatawanan, nagsasayawan, napaka-talentado nilang lahat, sobrang magandang experience for me, and talagang bless ako na nabigyan ako ng ganung klaseng supresa."

READ: Ken Chan welcomes birthday in Cebu 

READ: Ken Chan, hinalikan si Fabio Ide sa 'Destiny Rose'