
Congratulations, Destiny Rose!
By MICHELLE CALIGAN
Hindi naitago ni Ken Chan ang kanyang tuwa nang malamang extended for six weeks ang high-rating Afternoon Prime series na Destiny Rose. Idinaan ng aktor, who recently celebrated his birthday ang announcement sa kanyang Instagram account, kung saan nag-post siya ng photo nila nina Fabio Ide at Katrina Halili.
"Yehey!!! #DestinyRose is extended! Ito ay dahil sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal sa amin mga kapuso! ???? Hayaan ninyong paligayahin pa namin kayo at pakitaan pa ng mga kabog na mga eksena! hehe Love you guys! #ThankYouLord," Ken shares in his caption.
Ang kanyang co-stars na sina Fabio at Katrina, taos-puso ring nagpasalamat sa lahat nang tumatangkilik sa kanilang teleserye.
Congratulations, Destiny Rose!