
Diretsahang umamin ang Kapuso heartthrob na si Ken Chan na nakaranas na siya na ma-ghost ng isang taong nagugustuhan niya.
WATCH: Ken Chan at Rita Daniela thank those who watched "Tayo ay Forever" music video
Hot topic ngayon sa showbiz ang ginawang panggo-ghost diumano ng actor na si Gerald Santos sa kanyang girlfriend na si Bea Alonzo.
Sa panayam ni Ken sa entertainment press sa launch ng kanyang bagong business na isang collaboration sa top eyewear brand na Peculiar Eyewear, binalikan ng aktor ang experience at natutunan niya sa ghosting.
Wika niya, “Ay naranasan ko 'yun! Ako 'yung na-ghost.
“Pero ganun talaga ibig sabihin hindi po siya mature and buti na lang na nangyari 'yun.”
Naniniwala din si Ken na blessing in disguise kung ma-ghost ka man, dahil sa tingin niya ay may tamang tao na meant for you.
Aniya, “Actually, alam n'yo huwag natin gawing negative 'yung ghosting, gawin natin positive.
“'Di ba kasi na-ghost ka ibig sabihin, hindi ka tumagal sa tao na 'yun, pero mayroong nakalaan para sa iyo. Maaga pa lang nalaman mo na 'yung ugali niya, so nakaligtas ka.
“Blessing in disguise, so 'yung ghosting na 'yan pasalamat tayo na may naggo-ghost sa atin dahil mayroon tayong natutunan.”
Sobrang excited naman si Ken sa bago niyang venture with eyewear brand Peculiar. Sa event sa Romulo Café sa Quezon City ngayong araw, August 8, ipinasilip niya sa press at bloggers ang eyewear collection niya na siya mismo ang nag-isip ng design.
Kasama niya sa launch ang brand founder at CEO na si Isaac Saliendra at ang business partner nito na si Racquel Gutierrez.
Ayon kay Ken, hindi siya nagdalawang-isip na pasukin ang negosyo na ito.
“Every business naman talagang kailangan mo sumugal, walang business na hindi ka susugal.
“Walang safe, hindi tayo magpi-play safe pagdating sa business. So kapag magbi-business ka kailangan gawin mo ngayon o hindi.
"Tinuro ng papa ko at mama ko, kung gagawa ka ng business dapat sure ka and nung ipakita sa akin itong eyewear hindi ako nagdalawang-isip sabi ko gagawin natin.”