GMA Logo Kendra Kramer
Celebrity Life

Kendra Kramer, tinawag na 'future Miss Universe' ng ilang netizens

By EJ Chua
Published December 31, 2021 11:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rains over PH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Kendra Kramer


Beauty ni Kendra Kramer, pang-Miss Universe raw ayon sa ilang netizens!

Marami ang patuloy na namamangha sa taglay na kagandahan ni Clair Kendra Kramer, ang panganay na anak nina Doug Kramer at Cheska Garcia-Kramer.

Sa sunud-sunod na Instagram posts ni Kendra ng kanyang OOTDs at ilang mga ganap sa buhay, ilang positibong mga komento ang kanyang natatanggap mula sa kanyang followers.

Bukod sa sinasabi ng ilan na artistahin ang kanyang beauty at kahawig siya ng kanyang mommy na si Cheska, ilang netizens naman ang nagsabi na miss universe material daw si Kendra.

Mayroon ding nag-komento na future Miss Universe raw si Kendra dahil sa height at angking kagandahan nito.

Kahit nasa murang edad pa lang, tila sanay na sanay na si Kendra sa pagporma at pagpili ng mga isusuot.

Sa katunayan, ilang mga post ni Kendra ang umaani ngayon ng libu-libong likes sa Instagram.

Isa na rito ay ang kanyang mirror selfie habang nasa mall na mayroon na ngayong 48, 857 likes.

A post shared by Clair Kendra Kramer (@kramer.kendra)

Samantala, tingnan ang ilang larawan ni Kendra Kramer sa gallery na ito: