
Nasaksihan ang tatlong mga nagagwapuhang kalalakihan sa ginaganap na “Beach Hunk 2022” ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) noong Linggo (April 24).
Ang mga candidate na naglaban-laban para sa titulong “Beach Hunk 2022” ay ang singing flight attendent na si Kenneth Khan, ang part-time model at aspiring K-Pop star na si Ajay Balmores, at ang volleyball-turned-actor na si Anjo Pertierra.
Matatandaan na sa labanan na ito, ipinamalas ng tatlong candidates ang kanilang iba't ibang talento tulad ng pagkanta at pagsayaw. Bukod dito, sumabak din sina Kenneth, Ajay, at Anjo sa casual interview.
At syempre, sumalang din ang mga contestant sa kaabang-abang na Question and Answer portion, kung saan ang kailangan nilang bumunot ng Mema Squad member na magtatanong sa kanila.
Sa tulong naman ng “Roleta ng Kapalaran,” hinirang na first runner-up si Ajay at itinanghal naman na “Beach Hunk 2022” si Kenneth.
Tuloy-tuloy lamang ang tawanan at kulitan sa The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa TBATS tuwing Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, balikan ang hottest “May Pa-Presscon” episodes ng The Boobay and Tekla Show noong 2021 sa gallery na ito: