What's Hot

Kenneth Paul Cruz aka Frankenstein?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 27, 2020 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ambush suspect in death of 5 cops nabbed at GenSan airport
This stunning bamboo sanctuary in Cavite just made TIME's World's Greatest Places 2026 list
CDO exec alarmed by 14 tons of daily medical waste

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit "Frankenstein" ang tawag kay 'Hiram na Alaala' star Kenneth Paul Cruz ng kanyang pamilya gayung former commercial model siya?
By MICHELLE CALIGAN

 
Wala daw reklamo si Kenneth Paul Cruz sa nagiging takbo ng career niya ngayon, lalo na't hindi naman niya pinangarap dati na maging artista. Pagkatapos lumabas sa ilang kilalang commercials, kasama ngayon si Kenneth sa primetime series na Hiram na Alaala bilang si Chris, ang nakababatang kapatid ni Otep, played by Rocco Nacino.
 
"Kung ano ibigay nila sa akin, go lang," maiksing pahayag ng aktor nang aming makapanayam kamakailan.
 
Aniya, hindi raw niya maipaliwanag ang itsura niya dati kaya hindi sumagi sa isip niya ang pumasok sa showbiz.
 
"Noong bata po ako, hindi po sumasayad sa isip ko 'yung pagiging artista o commercial model, kasi 'yung itsura ko noon parang 'Oh my God'. Super payat po ako dati, and ang features ko dati iba. Niloloko nga ako ng kapatid ko na Frankenstein."
 
Nagulat na lang daw ang pamilya niya nang isang araw ay lumabas siya sa commercial.
 
"Naging masaya ako doon sa ginagawa ko, at doon na po nagsimula ang dream ko papunta dito," referring to his budding showbiz career.
 
Very supportive naman daw ang kanyang pamilya kahit minsan ay inaasar siya kapag napapanood nila siya sa telebisyon.
 
"May isang taping, 'yung pumanhik kami sa Tanay, tapos may mga crying scene. Lahat sila, nasa labas [ng bahay], tapos ako sa loob nanonood. Biglang sumisigaw sila, 'Ampangit mo!' Niloloko nila ako. Pero supportive naman sila sa akin. Kunwari may taping ako, hahatid nila ako."
 
Kaninong yapak sa showbiz ang gusto niyang sundan?
 
"John Lloyd. Kasi John Lloyd Cruz, Kenneth Paul Cruz (laughs)," pagbibiro niya.