GMA Logo Kent Villarba
PHOTO COURTESY: GMA Integrated News (YouTube)
What's Hot

Kent Villarba gives heartfelt song performance on 'Unang Hirit'

By Dianne Mariano
Published November 19, 2025 12:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together
BI: Viral female passenger offloaded for inconsistent statements about trip
Police deny supposed search at Rep. Duterte’s house

Article Inside Page


Showbiz News

Kent Villarba


Inawit ng "Tawag ng Tanghalan" Year 9 grand champion na si Kent Villarba ang isang Ben&Ben song sa pagbisita niya sa 'Unang Hirit.'

Live na napanood ang "Tawag ng Tanghalan" Year 9 grand champion na si Kent Villarba sa Unang Hirit ngayong Miyerkules (November 19).

Sa pagbisita ni Kent sa nasabing morning show, tinanong siya ng Sparkle actor at UH hostmate na si Allen Ansay kung ano ang naramdaman niya nang magwagi sa "Tawag ng Tanghalan" Year 9.

Ayon kay Kent, hindi niya inasahan na siya ang mananalo sa nasabing competition.

'Yung iniisip ko nung time na 'yon, gusto ko lang talagang mairaos 'yung song ko, gusto ko ma-perform siya na tatatak siya sa puso ng mga tao. Gusto ko pong ipakita sa kanila na kahit ano, kahit pahirapan na 'yung sa competition, pino-prove ko sa sarili ko na lalaban talaga ako," pagbabahagi niya.

Bukod dito, unang nakilala si Kent bilang Bruno Mars look-alike dahil sumali rin siya sa "Kalokalike" ng It's Showtime.

Matapos ito, hinarana ni Kent ang mga Kapuso nang awitin niya ang "Sa Susunod na Habang Buhay" ng OPM band na Ben&Ben.

Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.