GMA Logo Kent Villarba
What's on TV

Kent Villarba wins 'Tawag ng Tanghalan' Year 9

By Dianne Mariano
Published November 8, 2025 4:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Kent Villarba


Nagwagi si Kent Villarba bilang grand champion ng 'Tawag ng Tanghalan' Year 9.

Itinanghal si Kent Villarba bilang grand champion sa ika-9 na taon ng “Tawag ng Tanghalan.”

Nakakuha ng grado na 98% si Kent mula sa mga hurado at Madlang People.

Ipinamalas ni Kent ang kaniyang husay sa pag-awit nang kantahin ang “Before You Go” ni Lewis Capaldi sa unang round at "Ilaw sa Daan" ng OPM band na IV of Spades naman sa huling round.

Bukod sa tropeo, nakatanggap pa siya ng P1 million cash, recording contract sa ABS-CBN Music, at management contract sa Star Magic.

Nagwagi naman si Lucky Nicole Galindez bilang second placer matapos makakuha ng combined average score na 92% at nakatanggap siya ng P100,000.

Samantala, hinirang si Angelica Magno bilang third placer matapos makakuha ng score na 56% at nakatanggap siya ng P50,000.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Related Gallery: Ang 'Huling Tapatan' sa 'Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025'