
Tila nahawa sa pagiging “englisera” ni Terra (Bianca Umali) ang isa sa mga karakter ng Encantadia Chronicles: Sang'gre -- walang iba kung hindi si Samina, o ang makapangyarihang Kera Mitena (Rhian Ramos)!
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Rhian ang kanyang nakakatawang blooper sa GMA superserye.
Habang inaalala ng kanyang karakter ang kaibigang si Naya (Terra), tila nakalimutan ni Mitena ang kanyang susunod na linya.
"Ang malasakit...and that other thing," biro niya, sabay tawanan ng buong production team.
Mas lalo pang natawa ang lahat nang tuloy-tuloy na nag-iingles ang Kera sa set.
Pati ang online fans, hindi rin nagpahuli sa kulitan. Marami kaagad nagbiruan sa comment section ng post, kabilang ang mga nagro-role play na fans bilang karakter ng superserye.
"Keratin my plus hehehe," biro ng isang netizen, habang ang iba naman ay nagkomento ng "Lumabas pagka IT Girl ni Mitena," "Keratin na impluwensyahan ni Terra," at "May english na pala sa encantadia."
Patuloy mapapanood si Rhian Ramos bilang si Kera Mitena sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: