GMA Logo Kevin Montillano at Euleen Yobab Castro
Photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Kevin Montillano at Euleen 'Yobab' Castro, nanalo sa 'The People Have Spoken'!

By Kristine Kang
Published June 21, 2026 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH monitors minerals, Chinese influx amid Bajo de Masinloc structure concerns
Ateneo de Davao University names covered courts after Rene Baterbonia
The Father Who Never Leaves

Article Inside Page


Showbiz News

Kevin Montillano at Euleen Yobab Castro


Naiuwi ng content creators na sina Kevin Montillano at Euleen 'Yobab' Castro ang grand prize na PhP 200,000 ng 'The People Have Spoken'!

Comeback is real para sa content creators na sina Kevin Montillano at Euleen "Yobab" Castro matapos magwagi sa bonus round ng The People Have Spoken!

Naging masaya at kapana-panabik ang Saturday night (June 20) dahil sa matinding tapatan ng Team ChanSu (Chanty Videla at Sugar Mercado) at Team Kebab (Kevin Montillano at Euleen "Yobab" Castro).

Sa mga unang round ng game show, nangunguna ang Team ChanSu sa kanilang 480 points, habang may 330 points naman ang Team Kebab.

Ngunit gaya nga ng sabi ni Heart Evangelista, "It ain't over until its over" dahil isang malaking plot twist ang naganap sa huling round.

May Katumbas na 500 points ang final round at nagwagi ang Team Kebab na ipulso ang boses ng People sa tanong na "Ayaw kang payagang mag-work abroad ng dyowa mo. Nagbanta siya ng break-up, anong gagawin mo?"

Ang kanilang sagot na "Makikipag-break" ay pinili rin ng 67% ng People. Samantala, 28% naman ang pumili sa sagot ng Team ChanSu na "Isasama siya."

Sa bonus round, muling ipinakita nina Kevin at Euleen ang kanilang husay nang hulaan nila ang mga top popular answers ng People sa tanong na, "Ano ang hinahanap mo sa iyong pangarap na trabaho?"

Kabilang sa kanilang mga napiling sagot ang mataas na suweldo, pakotse at pabahay, at mabait na boss.

Nakuha ng Team Kebab ang perfect score at naiuwi ang overall grand prize na PhP 200,000.

"Ang saya! Hindi kami nag-expect na mananalo kami. So thank you so much, The People Have Spoken!" ani Kevin.

Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.

Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.

Samantala, balikan ang unang winning highlights sa The People Have Spoken, dito: