What's on TV

Kevin Santos, gaganap bilang komedyanteng si Petite sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published March 5, 2021 2:25 PM PHT
Updated May 10, 2023 2:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

High fuel prices prompt devotees to do Visita Iglesia closer to home
Tagbilaran Council ok's additional P5 in tricycle fare
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Kevin Santos


Si Kevin Santos ang magbibigay-buhay sa kuwento ng komedyanteng si Petite sa isang new episode ng '#MPK.'

Ano nga ba ang naging buhay ng komedyanteng si Petite o Vincent Aycocho sa tunay na buhay, bago siya naging matagumpay na stand-up comedian?

Ito ang kanyang ibinahagi sa isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Naghiwalay ang mga magulang ni Petite noong siya ay bata pa. Pinili niyang sumama sa kanyang tatay Arvin kahit hindi nito tanggap ang pagiging bakla niya.

Para mapasaya ang ama, bubuksan ni Petite ang kanyang puso kay Jessica, isang older woman na magmamahal sa kanya.

Dahil tanggap ni Jessica ang pagiging bading ni Petite, tatanggapin din niya ang anak ni Jessica na si Alma na pawang ka-edad lamang niya.

Magsisimula ang kakaibang set-up ng kanilang pamilya nang magkaroon ng relasyon si Alma at ang kanyang tatay Arvin!

Isang sorpresa pa ang bubulaga sa kanila nang aminin ni Alma na nagbunga na ang pagmamahalan nila ni Arvin.

Si Kapuso actor Kevin Santos ang gaganap bilang Petite.

Kevin Santos on MPK


"Sobrang funny noong story. Sobrang heavy noong story. Iba eh, iba 'yung story ni Petite dito. Kumbaga parang sobrang piniga ako ni direk dito. Sobrang nagulat ako sa twist nong story," pahayag ni Kevin sa isang panayam ng 24 Oras tungkol sa kanyang role.

Makakasama niya dito ang beterang aktres na si Snooky Serna, na gaganap naman bilang Jessica.

"I play the role of Jessica. Ako 'yung wife po, naging live-in partner ni Petite na in love na in love na in love po sa kanya," paliwanag ni Snooky tungkol sa kanyang karakter.

Nagkomento naman si Petite mismo tungkol sa casting ng para sa kanyang talambuhay.

Hindi raw niya inasahang si Kevin ang gaganap sa kanya, lalo na at "crush" niya ito noon.

"Nagka-crush ako sa kanya! Tapos hindi ko alam siya pala gaganap sa akin. During [StarStruck] pa lang, gwapong gwapo ako sa kanya. Promise," natatawang lahad ni Petite.

Bukod kina Kevin at Snooky, bahagi din ng episode sina Dennis Padilla at Ashley Rivera.

Abangan ang buhay ng komedyanteng si Petite sa "When I Fall in Laugh: The Vincent Aycocho Story" ngayong Sabado, May 13, 8:00 pm sa '#MPK.'

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: