
Ikinasal na ang Kapuso actor na si Kevin Santos sa kanyang non-showbiz fiancée na si Raphee de los Reyes.
Sa Instagram post ni Kevin, makikita ang random photos nila ng kanyang asawa kasama ang isang sweet caption, “Hi, Mrs. Santos [heart emoji] #FromLDR2Forever.”
Nito lamang January 5, 2022, ginanap ang kanilang Catholic wedding sa isang hotel sa Alabang, Muntinlupa.
Sa isang interview, ipinaliwanag ni Kevin na limitado lamang ang bilang ng kanilang mga bisita dahil sa umiiral na panibagong COVID-19 guidelines and safety protocols.
Bukod sa pamilya nila ng kanyang partner, ilang malalapit na kaibigan lang nila ang naka-saksi ng kanilang pag-iisang dibdib.
Kabilang na rito ang kapwa niya Daddy's Gurl actor na si Oyo Sotto at ang asawa nitong si Kristine Hermosa. Nakadalo rin sa wedding si Chichirita na kasama rin ni Kevin sa nasabing sitcom.
Ayon sa aktor, dalawang taon pa lamang ang kanilang relasyon ngunit napagkasunduan na nilang magpakasal dahil na rin sa kanilang mga edad.
Matapos ang kanilang wedding ay balik LDR o long-distance relationship na naman ang dalawa upang maipagpatuloy ni Raphee ang kanyang trabaho bilang isang nurse sa Sydney, Australia.
Ayon pa kay Kevin, ang kanyang kaibigan na tito ni Raphee ang naging daan upang magkakilala silang dalawa.
Congratulations and best wishes, Kevin and Raphee!
Samantala, tingnan ang kapwa celebrities ni Kevin Santos na muling nag-aral sa gallery na ito: