GMA Logo Kevin Santos
What's Hot

Kevin Santos, sinabing sulit ang halos isang araw na pagpila noon sa 'StarStruck'

By Aedrianne Acar
Published June 4, 2020 1:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Kevin Santos


Nagbalik-tanaw ang comedian na si Kevin Santos sa naging experience niya nang mag-audition sa 'StarStruck.'

Halos 16 na taon na ang nakararaan nang sumali ang Kapuso comedian na si Kevin Santos sa groundbreaking reality-based artista search na StarStruck.

EXCLUSIVE: Kevin Santos, nagulat nang may show siya kahit una siyang natanggal sa 'StarStruck'

Batchmate ni Kevin sa Season 2 ang ilan sa mga kilala ngayong Kapuso stars tulad nina Megan Young, Mike Tan, at LJ Reyes.

Napa-throwback kamakailan sa Instagram si Kevin nang alalahanin niya ang kanyang naging experience sa pagsali sa naturang kumpetisyon.

Ayon sa magaling na comedian, halos isang araw inabot ang audition niya sa StarStruck.

Aniya, "Pag nakikita ko to? naalala ko yung 1st audition day ng starstruck batch 2.

"Nag simula akong pumila ng 2am ng madaling araw with 4 na biscuits sa bulsa at nakapasok ako ng gma ng 10pm para mag audition sa dami nang tao."

Pero sulit naman daw ang hirap at pagod dahil ngayon ay patuloy pa rin siya sa pagpapasaya ng mga tao.

Mainstay si Kevin Santos sa sitcom na Daddy's Gurl bilang si Daboy.

Pagtatapos ni Kevin, "Pero ang nakakatuwa till now nandito parin ako nag papasaya sa inyo. Kaya sulit!!"

Pag nakikita ko to? naalala ko yung 1st audition day ng starstruck batch 2. Nag simula akong pumila ng 2am ng madaling araw with 4 na biscuits sa bulsa at nakapasok ako ng gma ng 10pm para mag audition sa dami nang tao. Pero ang nakakatuwa till now nandito parin ako nag papasaya sa inyo. Kaya sulit!! 😊

A post shared by Kevin Santos (@pilot_kevinreal) on

Sa mga nakaka-miss naman sa Daddy's Gurl, hindi n'yo dapat palampasin ang quarantine special na hinahanda nila soon on TV.

Direk Chris Martinez, ipinasilip ang fresh episode ng 'Daddy's Gurl'