GMA Logo Kevin Santos
What's Hot

Kevin Santos, utang sa showbiz ang pagiging piloto

By Aedrianne Acar
Published August 4, 2021 10:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: May 17, 2026
Ashley Rivera shares first Hyrox race experience
NBI, PNP enter steel mill firm in MisOr; workers stage rally

Article Inside Page


Showbiz News

Kevin Santos


Pinatunayan ng 'Daddy's Gurl' star na si Kevin Santos na totoo ang mga kataga: “dream, believe, survive.” Matapos makamit ang pangarap na maging licensed commercial pilot.

Tunay na survivor ang versatile actor na si Kevin Santos na sa kabila ng pagsubok na pagsabayin ang pag-aaral at trabaho sa showbiz ay nagawang makapagtapos ng kanyang pag-aaral.

Nagtapos ng cum laude sa Arellano University ang former StarStruck finalist at idagdag mo pa na isa na siya ngayong licensed commercial pilot.

Sa panayam niya sa 24 Oras nitong Martes ng gabi, August 3, sinabi ni Kevin na bata pa lang ay pangarap na niya maging piloto at natupad ito dahil sa career niya bilang aktor.

Kuwento ni Kevin kay Aubrey Carampel, “Hindi kami mayaman, wala kami pera. So ang showbiz nagbigay sa akin ng malaki at matibay na foundation para maabot lahat.”

Hindi rin daw biro ang desisyon na mag-piloto, dahil dugo at pawis ang puhunan sa pangarap niya.

Paliwanag ni Kevin, “Every license, dugo't pawis talaga, kasi 'yung effort, 'yung aral, 'yung mga exams, ang dami-daming exams pinagdaanan ko po dito bago ko makuha 'yung commercial license.”

Kumusta naman ang pakiramdam kapag tinatawag na siyang captain ngayon?

“Parang 'pag tinatawag nila ako, hindi ako sanay talaga kasi ever since talaga ang tawag sa akin Kevin ganito, ganyan. So, nahihiya po talaga ako pag may tumatawag sa akin na Cap [Captain].” pag-amin ng comedian.

Kasalukuyan napapanood si Kevin bilang Omar sa primetime series na Legal Wives at sa sitcom na Daddy's Gurl bilang Daboy.

Ayon sa Kapuso actor na sana magsilbing inspirasyon ang kuwento ng kanyang pagsusumikap sa iba para tuparin ang kanilang pangarap, kahit mahirap man ang landas na tatahakin.

Wika niya, “'Pag gusto mo talaga 'yung ginagawa mo, kahit ano talaga mangyari or kung ano mang obstacles yan, ano mang trials na humarap sa'yo--kaya mo, kasi gustong-gusto mo 'yung gagawin mo or 'yung aabutin mo.”

Samantala, kilalanin ang mga artista na bumalilk at nagtapos ng pag-aaral: